Wednesday, July 31, 2013

Ano Hanap Mo!?

Bakit Wala Ka Pang Boyfriend?


'Yan lage ang itinatanong sa mga babaeng hindi pa nagkaka-boyfriend at sa mga babaeng hindi maka-move sa isang masalimuot na relasyon. Isa rin yan sa mga tanong sa survey ng isang website, hindi yan galing sa kung anu-ano mang lugar at hindi din ako nagbahay-bahay para lang sa tanong na yan. Kung gusto mong itanong kung anong website galing yang tanong na yan, mas mabuti itanong mu na lang sa butiki sa kisame niyo.
Sa mga babae pangarap ang makatuluyan ang kanilang prince charming (kagaya na lang dun sa lalaking humalik kay sleeping beauty, at sa mga lalaking lageng nagliligtas sa mga DISNEY princess movies), ang kanilang idolong artista ( andyan sila BRAD PITT, TOM CRUISE, baka pwede din naman ako, joke lang, joker ako e...TOINKS) at higit sa lahat 'yung tinatawag nilang soulmate ( hindi yan ung kaluluwa ah yan daw yung taong nakatadhana para sa'yo). Marami pang mga qualities  ang hanap mo sa isang lalaki. Huwag na muna pagtuonan ng pansin ang hitsura, dahil malamang sa malamang maraming pangit ang nagbabasa nito ngayon. Hindi naman ako dalubhasa pagdating sa usaping pag-ibig (isa lang kasi lisensyadong albularyo), pero ibibigay ko sa inyo ang ilang katangian hinahanap ng mga babae sa lalake.
  • MAY DIREKSYON SA BUHAY - Hindi ibig sabihin nito eh papunta sa hilaga, kanluran, timog o sa silangan. Ang ibig sabihin ni ate ay yung may patutunguhan sa buhay (in short may FUTURE). Kung sabagay sino ba naman kasing babae ang gusto sumama sa lalake tapos sa ilalim ng tulay titira at ang magiging hanap-buhay eh ang paghula kung anong sasakyan ang dumaan sa ibabaw ng tulay.
  • GENTLEMAN - hindi ito ung kanta ni PSY na meron daw kinalaman sa pagguho ng mundo, kaya 'wag ka muna sumayaw. Bilang isang lalake, ito ang katangian na dapat nating ingatan. Sa panahon kasi ngayon mahirap ng makahanap ng gentleman (syempre maliban sa'ken). Halimbawa: may mag-syota na bumili ng appliances sa mall, 'yung babae pasan yung buong aircondition unit, habang yung boyfriend niya bitbit lang yung iPhone5 at abala sa pagsagap ng wifi sa mall (ndi dapat ganyan).
  • MABAIT - lahat naman siguro ng babae, hinangad na magkaroon ng boyfriend na mbait. Sino ba namang babae ang nangarap ng boyfriend na bigla ka na lang hahatawin ng steel chair sa ulo (na parang WWE) dahil sa sobrang lambing. O kaya naman magkasubuan nga kayo ng pagkain pero pagsubo naman niya sayo e kasama pati kutsara.
  • MATALINO - Hindi ko sinasabing sobrang talino, kasi baka magkaroon ng side effects un (lahat kasi ng sobra e masama. In short, matalino na marunong dumiskarte. Matalino na marunong sa buhay. Hindi lang porma ng magandang kasuotan dahil sa tunay na buhay wala naman fashion show. Bawal umarte kasi di ka naman artista.
  • SENSE of HUMOR - Boring ang isang tao kung wala nito. Isa sa pangunahing layunin ay ang pasayahin ang isang babae. Ok na ang mga simple pero rock na jokes o kaya mga pick-up lines (mas may humor pa kung ung kay boy pick up ang gagamitin mo). Wag lang sumobra gaya ng kay VICE GANDA kasi pangbabasag na un at baka masampal ka pa sa adam's apple mu.
  • TALENTED -  Magaling kumanta, sumayaw, umarte, kumain ng buhay na manok, tumulay sa barb wire (na pwede ng pang-circus show) at iba pang nakakamanghang talento.
'Yan lang ang iba sa mga katangian ng isang lalake ng hinahanap-hanap ng mga babae. Ikaw ano Hanap Mo? (pahiram Sulit ah)